Hindi matutupad ni Golden State Warriors guard Stephen Curry ang kanyang target na unang araw ng Marso (Marso 2 sa Pilipinas) bilang petsa kung kailan ito maglalarong muli.
Matatandaang sumabak lamang sa apat na laro si Curry ngayong season matapos mabali ang kaliwang kamay nito noong Oktubre.
Sa inilabas na pahayag ng Warriors, posibleng mangyari na lamang ang comeback ni Curry anumang araw ngayong buwan.
Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, hindi raw maglalaro si Curry sa kanilang game kontra Washington Wizards sa Lunes, o sa Miyerkules laban sa Denver Nuggets.
Ngunit may posibilidad na maglaro na ito sa Biyernes kontra Toronto Raptors.
“He put up a little bit of a fight but also understood why we wanted to take extra precaution,” anang coach.
Ipinagmalaki naman ng koponan na nakakalahok na si Curry sa full scrimmages, at nakatakdang mag-ensayo kasama ang Santa Cruz Warriors sa G League sa Martes.
“That allows for a more natural steppingstone to playing in an NBA game,” ani Kerr. “So I think our training staff was more comfortable with that, coaching staff was more comfortable with that. Steph wanted to play, but we’re just going to take the precautionary step and give him a little more prep.”