Ilang mga kandidato na sa pagka-bise presidente ang maagang dumating sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel sa Pasay City.
Sa mga oras na ito, nasa venue na sina Senate President Tito Sotto, gayundin sina Carlos Serapio, Sen. “Kiko” Pangilinan, socialist professor na si Walden Bello, cardiologist Willie Ong, at Manny Lopez.
Alas-7:00 ngayong gabi magsisimula ang debate, na inaasahang tatagal uli ng mahigit sa dalawang oras tulad sa unang Presidential debate kahapon.
Samantala, mayroon pang serye ng mga pinaka-opisyal debate kung saan ang nag-organisa mismo ay ang Commission on Elections.
Una rito, ilang oras bago ang debate kahapon ay nasilip ng Bombo Radyo na puspusan ang lugar na sa paghahanda at pinaganda pa ang entablado para maging komportable ang inaasahang mainitang debate.
Sa lawak ng lugar na ito na tent na nasa bahagi din ng Cultural Center of the Philippines complex at malapit sa Manila Bay, may kanya-kanyang holding room na inihanda para sa mga kandidato.