Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na may contigency plans ang ahensya sakaling maulit sa mismong araw ng halalan ang pagpalya ng secured digital cards na may hawak sa record ng mga balota.
Ayon kay Comelec spokesperson Dir. James Jimenez, nakahanda ang kanilang back up SD cards para sa agarang replacement ng mga matutukoy na depektibong cards.
Nabatid ng poll body na nasa 473 SD cards ang nag-malfunction mula sa 43,000 cards na kanilang ipinwesto kasunod ng final testing and sealing nitong Biyernes.
“We received reports of up to 473 cards corrupted. This is out of the 43,000 SD cards that are in play right now,†ayon sa Comelec spokesperson.
Sa kabila nito sinabi ni Jimenez na hindi rin basta-basta maglalabas ng bagong SD cards ang Comelec hangga’t hindi dumadaan sa pagsusuri ang mga mauulat na nagka-aberya.
“This is actually the purpose of FTS – to see problems that may come up. It’s good that we are seeing this matter now.”