-- Advertisements --
Nasa 90 percent nang handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa halalan sa darating na Mayo.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez na ang natitirang 10 percent ay para sa paghahatid na lamang nila ng mga makinang gagamitin sa midterm elections.
Kung hindi aniya nagkaroon ng mga malalakas na pagyanig kamakailan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nasa 95 percent na sana silang handa.
Dahil sa pangyayaring ito, nakatuon daw ang kanilang atensyon sa pagbubuo ng contingency plan kung paano makontra ang epekto ng lindol sa halalan.