LEGAZPI CITY – Nasa 97 hanggang 98% ng handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, fully printed na ang nasa 66.91 million na balota kabilang na ang mga accountable forms.
Habang idadagdag na lamang ang nasa 1.6 million na mga bagong nagparehistro at nagpa-reactivate.
Maliban dito, nakahanda na rin ang mga supplies at equipments kasama na ang mga ballot boxes.
Ayon kay Laudiangco, nasa warehouse na ang lahat ng gamit na kagagamitin sa hahalan.
Aniya, nangangahulugan ito na kahit magdesisyon anumang oras ang Supreme Court sa petsa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 ay handang-handa na ang tanggapan.