Ipinahayag ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na pinaplano na nilang simulan ang COMELEC Academy kung saan ito ay ilalaan para sa mga personnel ng poll body para mas mapag-aralan pa nila at ma-train sila pagdating sa mga ginagawa ng poll body sa halalan.
Sa tulong ng academy, mapag-aaralan nila ang mga dapat matutunan sa eleksyon, liquidation, paano sundin ang ethical standards para sa government employees, wordings ng komisyon, guidelines at regulations, accounting rules at procurement laws. Aniya, paraan din ito ng poll body para mas maging updated pa ang mga nagtatrabaho sa tanggapan.
Sa ngayon, pinaplano pa nila sa pamumuno ni Commissioner Ernesto Maceda Jr. kung paano gagawin sa pagpapatayo ng imprastraktura at mga kagamitan na kakailanganin para rito.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Garcia na ang anumang problema sa pamahalaan ay maiiwasan kung ang mga empleyado ay maayos na na-train at napag-aral sa mga dapat nilang malaman sa isang tanggapan.