Muling mag-iimprinta ang Commission on Election (COMELEC) ng mahigit anim na milyong balota para sa national and local elections.
Ito ay matapos na ipinatigil ng Korte Suprema ang pag-imprinta dahil sa ipinalabas na restraining orders matapos na pigilan ng Comelec na makasali sa halalan ang limang kandidato.
Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na lahat ng mga printing activities ng mga balota ay kanilang inihinto.
Inaaral na rin ng kanilang information technology department ng mga pagbabago sa kanilang database ng kandidato dahil may mga natanggal na at ang babaguhin ang election management system.
Dagdag pa nito na hindi lamang ang pag-imprinta ang nakansela at maging ang nakatakdang mock election sa darating na Enero 18 ay kanselado na rin.
Gagawa na ngayon ang Comelec ng 1,667 na bagong ballot page template kung saan lalagyan nila ito ng serial number at muling mag-iimprinta ng panibagong anim na milyong balota.
Maging ang buong system program ng Automated Counting Machine (ACM) ay kanilang babaguhin.
Tatalima na lamang sila utos ng Supreme Court kung dodoblehin na lamang nila ang oras para maabot ang deadline ng pag-imprinta ng balota.
Magugunitang naglabas ng TRO ang SC dahil sa hindi pagsali ng COMELEC na kumandidato sina Subair Guinthum Mustapha at Charles Savellano na idineklarang nuisance candidates sa pagka-senador Senator at pagiging Representative of Ilocos Sur’s First District; pagbasura sa certificates of candidacy ni Chito Bulatao Balintay na tumatakbong Zambales Governor at Florendo de Ramos Ritualo, Jr. bilang Sangguniang Panlungsod Member ng unang distrito ng San Juan City at disqualification ni Edgar Erice bilang Representative ng ikalawang distrito ng Caloocan City.