-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Nakabaklas ng mahigit sa isang libong posters at tarpaulins ng mga kandidato ang Commisssion on Elections (Comelec) sa buong lalawigan ng Aklan sa kanilang nagpapatuloy na “Operation Baklas” kasabay sa campaign period sa national level.
Ayon kay Crispin Raymund Gerardo, tagapagsalita ng Comelec Aklan, ang nasabing campaign materials ay hindi nakalagay sa common poster area gayundin, hindi sumunod sa tamang sukat.
Binigyang-diin ni Gerardo na hindi nila itotolerate ang maituturing na illegal campaign materials at mahigpit nilang susundin ang utos ng komisyon.
Kaugnay nito, hinikayat ni Gerardo ang mga kandidato na gumamit ng environmental-friendly campaign materials para maprotektahan ang kalikasan.