KALIBO, Aklan – Nakahanda ang Commission on Elections (Comelec) Aklan na ipatupad ang anumang kautusan ng kanilang main office hinggil sa magiging kapalaran ng napatalsik na si dating Malay Mayor Ceciron Cawaling.
Ayon kay Comelec-Aklan provincial election supervisor Atty. Elizabeth Doronilla, hinihintay pa nila ang written order kung isasama pa sa listahan ng mga kandidato para sa nalalapit na May 13 mid-term election ang pangalan ni Cawaling.
Nabatid na naghain ng certificate of candidacy (COC) si Cawaling para sa mayoralty race sa bayan ng Malay.
Sinibak sa puwesto si Cawaling dahil sa pagkasira ng kapaligiran ng sikat na isla ng Boracay.
Ang dismissal order na ipinalabas ng Ombudsman ay ipinatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong araw ng Miyerkules matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct, gross neglect of duty, conduct unbecoming of a public official, at conduct prejudicial to the best interest of service.
Kababalik pa lamang ni Cawaling mula sa kanyang anim na buwang preventive suspension nang ipatupad ang dismissal order.