-- Advertisements --

Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na mock elections na isasagawa sa Miyerkules Disyembrel 29.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, isasagawa ang mock elections sa pitong rehiyon sa bansa.

Kabilang na rito ang National Capital Region (NCR), Regions 2, 5, 7, 8, 11 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa NCR kabilang sa pagdadausan ng mock elections ay ang Pateros, una at ikalawang distrito ng Taguig at sa first at second district din ng Pasay City.

Sa Region 2, isasagawa ang mock elections sa Cauayan City at Cordon sa Isabela; sa Region 5 isasagawa ito sa Legazpi City at Pioduram sa Albay; sa Region 7, isasagawa ito sa Dumaguete City at sa Zamboanguita sa Negros Orienta; doon naman sa Region 8, isasagaw ang mock elections sa Tacloban City, Baybay City at Palompon doon sa Leyte.

Sa BARMM, isasagawa ang mock elections sa Shariff Aguak at Buluan sa Maguindanao at sa Region 11 ay isasagawa naman sa Digos City at Sulop sa Davao del Sur.

Samantala, target ngayon ng Comelec na ilabas na ang final list ng mga kandidationg tatakbo sa 2022 national at local elections.

Kanina ay ipinasilip din ng Jimenez ang balota at elections returns na gagamitin sa mock elections maging sa halalan sa Mayo 9.

May habang 30 inches ang naturang balota.