-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Aminado ang Commision on Elections (COMELEC) na may mga napapabalitang insidente ng vote buying sa Bangued, Abra.
Gayunpaman, ayon kay Atty. John Paul Martin, election officer ng nasabing bayan, walang sapat at walang matibay na ebidensya laban sa mga umano’y nagsasagawa ng vote buying doon.
Aniya, sa ngayon ay nananatiling nasa ilalim ng red category ang bayan ng Bangued.
Samantala, inaaabangan na ng COMELECang delivery sa mga Vote Counting Machines (VCMs) na gagamitin sa halalan sa Mayo.
Posibleng mai-deliver ang mga VCMs sa huling linggo ng Abril o kaya naman ay sa unang linggo ng Mayo.