-- Advertisements --

Pinahihintulutan na ng Commission on Election ang hiling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) na ipagpatuloy ang pagpapalabas ng fuel subsidies para sa mga apektadong drivers at operators bunsod ng mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin.

Nauna nang nagsumite ng aplikasyon ang LTFRB para sa exemption mula sa Comelec en banc sa cash disbursement ngayong panahon ng halalan.

Kaugnay, nito sinuspendi pansamantala ng LTFRB ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy noong Marso 25 bunsod ng mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin.