-- Advertisements --
comelec vote

Lumagda ang Commission on Elections (Comelec) sa isang Memoranda of Agreement sa dalawang internet voting solutions providers bilang paghahanda para sa pagsasagawa ng live test runs para sa panukalang internet voting systems.

Ang internet voting test runs ay bahagi ng pag-aaral ng komisyon ng internet based technologies na posibleng magamit sa internet voting.

Ang test run ay ang ikatlong phase para sa implementation plan kasama na ang actual test voting activity.

Una nang natukoy ang mga test voters na pumayag sa mock elections kung saan gagamitin ang application o kaya platforms ng kompaniya o solution providers.

Nagpaliwanag si Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang commissioner-in-charge for overseas voting na walang bayad sa Comelec ang test runs.

Magsisimula ang testing sa buwan ng Hulyo.

Sakali aniyang maging matagumpay ang internet voting system ay malaki umano ang impact nito para sa gagawing botohan sa halalan sa hinaharap.