-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Magsasagawa ng offsite voters registration ang Commission on Election (COMELEC) – Baguio para sa mga Indigenous Peoples (IPs) sa Setyembre 21.

Ayon kay Atty. John Paul Martin, Election Officer ng Comelec-Baguio, ito ay upang matiyak na makakapag-parehistro ang mga IPs sa darating na halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan.

Aniya, sa Setyembre 16 hanggang 20 ay isasagawa ang registration sa mga IP sa opisina ng Comelec habang sa Setyembre 21 ay isasagawa ang special IP Offsite registration sa Irisan, Baguio City.

Kasabay nito ay hinihikayat ni Martin ang mga Indigenous Peoples na magparehistro para sa 2020 Elections.