BAGUIO CITY – Nakahanda na ang Commission on Elections (Comelec)–Baguio para sa pagsisimula ng voter’s registration at paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2020 barangay elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo-Baguio kay Atty. John Paul Martin, election officer ng Baguio City, sinabi niyang nakahanda na ang mga computers at registration forms na gagamitin sa registration na mag-uumpisa sa Agosto Uno at magtatapos sa Setyembre 30 ng kasalukuyang taon.
Hinikayat nito ang mga hindi pa rehistradong botante para mas maaga silang magparehistro at huwag na nilang hintayin pa ang huling araw ng pagpaparehistro.
Umaasa si Martin na hindi na muling maipagpapaliban ang barangay elections para hindi masayang ang paghahandang isinasagawa ng Comelec.
Gayunpaman, sinabi ng election officer na nakahanda naman ang Comelec na sumunod sa utos kung muling ipagpapaliban ng Kongreso ang halalan sa barangay.