Tinitignan ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad na mag-file ng disqualification case laban sa isang barangay chairperson mula sa Cagayan de Oro.
Ayon sa tala ng komisyon, biglang tumaas ang bilang ng mga botante sa lugar na ito at nasa 8,000 mahigit ang na-issue na mga barangay certificates.
Samantala, ayon sa Commission on Elections (COMELEC) En Banc, sinimulan na ng specialized task force na binuo ng komisyon para sa kasong ito at Election and Barangay Affairs Department ang pag-iimbestiga sa biglaang pagtaas ng mga botante sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro.
Tiniyak naman ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na kung mapapatunayan na sila ay may nilabag na mga election offense, ang komisyon na mismo ang magkakaso sa kanila.