-- Advertisements --

Kinumpirma ng lokal na opisina ng Commission on Elections sa Bamban,Tarlac na kanilang tatanggapin ang ihahaing Certificate of Candidacy ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa kanyang re-election bilang alkalde.

Ayon kay Bamban Comelec Officer Edmund Salvador, wala silang ideya kung maghahain talaga nito ng kandidatura sa pagka alkalde para sa 2025 midterm elections.

Aniya, hanggat hindi ito convicted sa mga kasong inihain laban sa kanya, wala silang karapatan na pigilan ito sa paghahain ng kandidatura.

Sa kabila ng mga isyu na kinakaharap ng dating alkalde, sinabi ng kanyang abogado na maghahain ito ng kandidatura sa susunod na linggo.

Ipagpapatuloy aniya ng kanyang kliyente ang naiwang mayoral position sa kanyang bayan.

Giit pa ni Atty. Stephen David na tao na lamang ng Bamban ang humusga kung talagang gusto pa siya ng mga ito.