Kinumpirma ng Commission on Elections Bicol na may ilang mga lugar sa naturang rehiyon ang pasok Red Category ng komisyon.
Itoy kaugnay pa rin sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ayon kay Bicol Comelec Regional Director Atty. Jane Valeza na kanilang tinitingnan ang apat na lugar sa Albay, 4 rin sa masbate at Camarines Norte na mayroong isa hanggang dalawa.
Paliwanag pa ng opisyal na kapag ang isang lugar ay isinailalim sa red category ay hindi ito nangangahulugan na buong lungsod ang dapat tutukan.
Ito ay maaaring itaas lamang sa barangay level.
Binigyang linaw rin ni Valeza na ang mga lugar na nasa ilalim ng red category ay yuong mga lugar na may presensya ng private armed groups, communist terrorist group at intense political rivalry.
Ito rin aniya ay tututukan ng Philippine National Pulis at ng Armed Forces of the Philippines.
Samantala, nilinaw rin ng comelec official na karamihan sa mga lugar sa bicol region ay nanatiling nasa ilalim ng green category.
Ang mga lugar na nasa green category ay nangangahulugang tahimik at walang dapat ipag-alala.