-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Umabot na sa 5 milyon ang mga registered voters sa Bicol region para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Commission on Elections Bicol Regional Director Atty. Maria Juana Valeza, nasa 4 million sa mga ito ay regular voters habang 1.5 million naman ay botante para sa Sangguniang Kabataan elections.

Ayon sa opisyal, nagsagawa na ang ahensya ng inventory sa mga paaralan na ginagamit ngayon bilang evacuation centers.

Binisita na rin ang mga voting precincts na nasa loob ng 6 km permanent danger zone upang makapaghanda sakaling magtagal pa ang aktibidad ng Bulkang Mayon at abutin na ng eleksyon sa Oktubre.

Kung hindi magagamit ang mga nasabing paaralan, plano ng Commission on Elections na magpalagay na lang ng tents na pwedeng puntahan ng mga apektadong residente upang makaboto.

Samantala, nagsasagawa na rin ngayon ang komisyon ng review sa listahan ng mga guro na interesadong magsilbi bilang Board of Election Inspectors.