LEGAZPI CITY- Regular ang ginagawang koordinasyon ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol sa mga election officers kasunod ng papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec Bicol Regional Director Atty. Maria Juana Valeza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kabilang sa mga tinututukan ng ahensya ang lalawigan ng Masbate, na isa sa mga areas of concern sa rehiyon.
Paliwanag ng opisyal na puspusan ang kanilang paghahanda lalo pa at nakapagtala ng hindi magandang mga insidente sa lalawigan.
Nabatid na sa kasagsagan ng registration period ay nagkaroon na ng girian sa pagitan ng ilang mga politiko.
Idagdag pa dito ang magkakasunod na armed conflict na nangyari sa lalawigan sa nakalipas na buwan.
Umaasa naman ang Comelec Bicol na hindi na lalala pa ang naturang girian at hindi na umabot pa sa karahasan at mas malaking mga problema.