LEGAZPI CITY – Nananatiling mapayapa ang panahon ng kampanya sa rehiyong Bicol kaugnay ng papalapit na May 9 national and local elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Comelec Bicol director Atty. Rafael Olaño, wala pa naman na naiuulat sa ngayon na anumang election related violence maliban na lamang sa mangilan-ngillang nahuhuli pa rin na lumalabag sa gun ban.
Subalit mahigpit na binabantayan ngayon ng komisyon ang sitwasyon sa lalawigan ng Masbate kung saan karaniwang nakakapagtala ng mga insidente.
Ngayong buwan umano ng magdagdag na ng mga tauhan sundalo na magbabantay sa lalawigan habang hinihintay na lang ang augmentation support na magmumula naman sa PNP.
Mahigpit naman ang panawagan ng opisyal sa mga kandidato na piliin ang mapayapang paraan at huwag idaan sa dahas ang panahon ng pangangampanya.