-- Advertisements --
Ipinanukala ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakaroon ng bagong batas para malimitahan ang pangangampanya ng mga kandidato gamit ang social media.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang magagawa lamang nila ngayon ay mabantayan ang mga ginagastos ng mga kandidato gamit ang iba’t ibang uri ng social media.
Hindi aniya tulad ng mga radyo at telebisyon ay may limitasyon sa minuto ang mga advertisement ng mga kandidato.
Aminado kasi si Jimenez na maraming mga kandidato para sa 2022 elections na gumagamit na ng social media sa kanilang pangangampanya.