![image 564](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/03/image-564.png)
Binago ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng filing period ng certificates of candidacy (COCs) para sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang mga bagong petsa para sa paghahain ng COC ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.
Ito’y mula sa naunang schedule na Hulyo 3 hanggang 7.
Aniya, talagang na-delay ang paghahain ng kandidatura hanggang sa makasigurado ang komisyon na ang lahat ng kaso ng disqualification at lalo na ang mga kaso ng nuisance candidates ay malulutas bago ang halalan sa Oktubre.
Tiniyak ni Garcia sa publiko na mareresolba ng poll body ang mga reklamo sa disqualification at nuisance candidate kahit na may bagong COC filing period.
Dagdag pa niya na mas mainam din na ilipat ang mga petsa ng paghahain ng COC sa malapit sa panahon ng botohan upang maiwasan ang mga insidente ng karahasan na may kaugnayan sa halalan.
Binigyang diin ni Garcia na ang Comelec ay patuloy na naghahanda para sa automated elections sa 2025.
May mga bagong patakaran na tatalakayin sa mga susunod na araw upang matiyak na magiging maayos ang takbo ng halalan.
Nagpaplano rin ang Comelec na gumamit ng automated system para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan elections.