-- Advertisements --

Naglabas ng bagong resolusyon ang Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa pagtanggal na kinakailangan na ring i-register ang mga private-owned accounts na mag-eendorso sa mga kakandidato.

Nilabas ng poll body ngayong araw ang bagong Resolution No. 11064 kung saan kinakailangan ang mga kakandidato, mga partylist, campaign teams at mga pribadong indibidwal na may mga i-eenderso sa eleksyon ay dapat na i-register ang kanilang mga social media accounts, pages, websites, podcasts, blogs, vlogs, at iba pang online at internet-based campaign platforms.

Sa bagong resolusyon ay hindi na kasama ang mga accounts ng mga pribadong indibidwal na mag-eendorso ng mga kakandidato na kailangan pa irehistro.