-- Advertisements --
Mahigpit na bineberipika ng Commission on Elections (COMELEC) ang ulat na nagkaroon ng bilihan ng boto sa naganap na campaign rally sa Hong Kong.
Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, nakatanggap ito ng impormasyon na mayroong nagbigay ng tig- HK$200 o katumbas ng halos P1,500 sa mga dumalo ng rally para bumuto ng straight sa isang Senate slate.
Giit nito na kanilang bineberipika itong mabuti at hanggang ngayon ay hindi nito makumpirma.
Nakipag-ugnayan na sila sa konsulada sa Hong Kong para berepikahin ang nasabing ulat.
Hinikayat na lamang nito ang mga nakasaksi na lumapit sa kanila at magbigay ng mga larawan o video bilang ebidensiya.