VIGAN CITY – Binigyang diin ng Commission on Elections na walang magaganap na eleksyon kung hindi maisasagawa ang final testing and sealing sa mga gagamiting vote counting machine sa halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Commission on Election Spokesperson James Jimenez, bago isagawa ang halalan kailangan umanong masiguro na ang mga gagamiting vote counting machine ay gumagana at walang aberya.
Aniya, gusto umanong ipakita ng comelec sa publiko na walang magiging problema sa mga VCM at iniimbitahan ng ahensya ang publiko upang saksihan ito gaya ng mga election watchdog, stakeholders at mga accredited citizens arm.
Dagdag pa ni Jimenez na sisikapin ng COMELEC na live stream ang gagawing testing at sealing upang masaksihan ng lahat ng Pilipino.