-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Bubuo ang Commission on Elections (Comelec) ng Kontra Bigay upang tugunan ang posibleng vote buying ngayong election period.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2 na ang Kontra Bigay ay binubuo ng iba’t ibang ahensya tulad ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Integrated Bar of the Philippines, National Bureau of Investigation, National Information Agency, Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti Money Laundering Council at Philippine Association of Law School.

Malaking tulong aniya ito para mapigilan ang vote buying dahil binigyan ng karapatan ang mga indibiduwal na magsumbong kapag may naganap na vote buying sa isang lugar.

Muling nagpaalaala si Atty. Cortez na sa October 19-28 pa ang campaign period kaya kung mangampanya ng mas maaga ay maituturing na itong premature campaigning.

Dagdag niya na in kind man o pera ay maituturing na vote buying.