Bumuo ng taskforce ang Commission on Election (COMELEC) para imbestigahan ang paglaki ng bilang ng mga nagparehistrong botante sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, na kanilang sinusuri ang ilang lugar na may pagtaas ng mga nagparehistro para sa 2025 Local and National Election.
Inihalimbawa nito ang ilang lugar sa Mindanao na nagtala ng mahigit na 40 percent na pagtaas ng mga nagparehistrong botante.
Isa sa mga nakitan nito ay ang pag-abuso sa paggamit ng barangay certificate.
Dati kasi ay dapat magdala ng valid ID ang mga magpaparehistro subalit kinontra ito ng Korte Suprema at sinabing dapat ay kahit na barangay certificate ay maaari ng magparehistro.
Umaasa ito na mapabilis na gagawing pagsusuri ng task force para malimbag na nila ang mga listahan ng mga botante hanggang sa katapusan ng taon.