BUTUAN CITY – Handa na ang Commission on Elections (Comelec) Butuan para sa filing na ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga tatakbo sa local positions nitong lungsod para sa May 2022 local elections.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City election officer Atty. Samuel Rollo na handa na rin ang kanilang tanggapan na feasible sa pagtanggap ng mga magsusumite ng COC na susunod din sa mga health protocols.
Nilinaw ng opisyal na bukas ang kanilang tanggapan sa lahat ng gusto ng mag-file ng kanilang COC sa Oktubre 1 hanggang 8.
Ang bawat kandidato ay papayagang makakadala ng isang kasama na iba sa nakasanayan na noong wala pa ang pandemya na kahit ilan.
Sa mismong araw ng pagsisimula ng COC filing, kanilang ita-tap ang pulisya para may tutulong sa kanilang magbabantay sa mga hindi susunod sa mga health protocols at para na rin sa police visibility.
Ito ang unang beses na kanilang ia-adapt ang COC filing ubos sa new normal rason na ang mga gustong magpa-file ng COC ngunit COVID-19 positive, maaari silang mag-file sa pamamagitan ng kanilang otorisadong representante bitbit ang kanyang Special Power of Attorney at COC form.
Samantaa ang mga mag-file ng COC na lalagpas sa kanilang itinakdang 37.5-degrees Celsius na body temperature, hindi nila ito papapasukin at papayuhang mag-file sa pamamagitan ng kanyang representante upang maiwasan ang pag-lockdown sa kanilang tanggapan.