ROXAS CITY – Nirerespeto at susundin ng Comelec ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa isinumiteng petisyon ng St. Anthony College Hospital Incorporated at Lawyers for Leni Capiz sa nangyaring Oplan Bak-las ng City Comelec office noong nakaraang 2022 National elections.
Ito ang naging tugon ni Comelec Capiz election supervisor Atty. Wil Arceño ng makapanayam ng Bombo Radyo Roxas.
Aniya, wala namang naging ekspektasyon ang Comelec sa nasabing peti-syon dahil ang Comelec ay isang implementing agency lamang.
Dagdag pa nito na kung ano man ang naging desisyon ng Korte Suprema pabor sa mga petitioner ay susundin naman ito ng kanilang ahensya at sa ngayon ay wala pa namang guidance mula sa main office ng Comelec dahil hindi pa naman aniya naging pinal ang nasabing desisyon.
Kung matatandaan ikinagalak ng Lawyers for Leni Capiz ang inilabas na li-ham ng Korte Suprema nitong Oktubre 24, kung saan ideneklarang unconstitutional ang ginawang pagkumpiska at pagsira ng Comelec sa mga privately owned campaign materials na nakasabit o nakalagay sa mga private property.