Nanghihinayang si Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia sa mga indibidwal na hindi nakahabol ngayong huling araw ng voter registration para sa nalalapit na 2025 midterm election.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo , iginiit ni Garcia na dapat sinamantala na ng mga ito ang pagkakataon na makapag pa rehistro para makabuto sa susunod na halalan.
Kabilang na rito ang pagpapa rectivate ng kanilang voter registration at transfer of registration.
Una nang sinabi ni Garcia na hindi na nila palalawigin pa ang voters registration maliban na lamang sa mga sinalanta ng bagyong Julian.
Kung maaalala, pinagbigyan ng poll body ang pagpapalawig sa voter registration hanggang ngayong araw para mabigyan ng sapat na panahon ang mga botante at kalabisan na aniya ito kung palalawigin pa.
Batay sa datos ng Comelec, aabot na sa 6,442,112 ang mga nag apply para magparehistro.
Pumalo naman sa mahigit tatlong milyon ang nagpatala bilang bagong botante habang humigit kumulang 100,000 ang na reactivate na botante.