Umapela si Commission on Elections chairman George Erwin Garcia sa mga senador upang maibalik ang tinapyas na P8 billion na pondo para sa December 2025 Barangay at SK elections.
Ito ay matapos na gawing P35 billion mula sa orihinal na panukalang pondo ng poll body na P49 billion para sa susunod na taon sa budget briefing ng Senate Finance Committee.
Natapyasan ito ng P14 billion kung saan P3 billion ay para sana sa National and Local elections at ang P8 billion ay para sa BSKE elections.
Paliwanag pa ng poll body chief na ang pangunahing apektado sa tinapyas na pondo ay ang support staff at honorarium para sa BSKE.
Saad pa ng opisyal na ang pagsasanay ng mga guro na magsisilbi para sa 2025 midterm elections ay mag-susuffer dahil kabilang sa tinapyas na pondo ang P1.4 billion na nakalaan sana para sa pagsasanay ng mga guro at iba pang gastusin gaya ng venue rental, food at transportation.
Habang ang nalalabing pondo ay para sa forms at mga suplay para sa voter education.