Nakatakdang bisitahin ni COMELC Chairman George Erwin Garcia ang probinsya ng Abra sa mismong araw ng halalan upang personal na saksihan ang halalan doon.
Nais umano ng COMELEC Chair na makita ng personal ang sitwasyon sa Abra, lalo na at una na siyang nakatakggap ng hindi magkakatugmang report.
Ayon sa COMELEC Chair, nais niyang natukoy kung ano ang tamang estado ng probinysa kasama na ang pag-verify ng tamang bilang.
Nauna na aniyang ini-ulat sa kanya na umaabot na sa 254 na kandidato ang umatras na sa halalan habang umabot na rin sa 58 na guro ang umayaw na magsilbi bilang mga electoral board members.
Bago nito ay una nang nagtungo sa Cordillera ang iba pang matatas na opisyalo ng komisyon na kinabibilangan nina Comelec deputy executive director for operations Rafael Olaño, at executive director Teopisto Elnas Jr..
Batay sa naging pahayag ni Olano, ang sitwasyon sa Abra ay nananatiling ‘contained’ at walang pangangailangang isailalim ito sa kontrol ng COMELEC.
Maalalang dalawang insidente ng karahasan na ang naitala sa probinsya ng Abra sa kalagitnaan ng election period: una ay ang pagpatay sa isang kandidato habang ang pangalawa ay ang umano’y pangingidnap sa maybahay ng isa ring kandidato.
Una na ring nag-assign ang PNP ng 150 personnel sa naturang probinsya para matiyak ang mapayapang halalan.