-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – ” Huwag ninyo pong iboboto ang mga kandidatong pasaway, makakapal ang mga pagmumukha at yong mga kandidatong hindi sumusunod sa mga patakaran”.

Ito ang pakiusap ni Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia sa pagbisita nito sa General Santos City.

Giit nito na walang magandang maidudulot sa barangay ang namimili ng boto dahil hinahamak lamang nito ang pagkatao at kahirapan ng mga botante.

Nanawagan naman si Atty. Garcia sa mga kandidato sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ipagpatuloy ang pagtupad at pagsunod sa mga patakaran ng Comelec.

Aniya, sa mahigit 1.4 milyon na bilang ng mga aspirants para sa halalan sa October 30, 2023, nasa mahigit 7,000 ang pinadalhan ng show cause order dahil sa paglabag.