Naniniwala si Commission on Elections George Erwin Garcia na malaki ang masasayang na pondo ng gobyerno kung sakaling hindi isasabay ang parliamentary election sa BARMM sa 2025 midterm elections.
Ginawa ni Garcia ang pahayag bilang tugon sa inihaing panukalang batas para ipagpaliban ang halalan sa rehiyon.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Garcia na nakahanda ang poll body sa pagsasagawa ng kauna- unahang halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sakaling di matuloy, masasayang rin aniya ang kanilang mga isinagawang paghahanda para dito.
Paliwanag pa ng opisyal na isang makina lamang ang gagamitin para sa 2025 midterm elections at BARMM election.
Iniulat rin nito na sinimulan na rin nila ang pagtanggap ng mga maghahain ng kanilang kandidatura para sa eleksyon sa BARMM.