Plano ngayon ng Commission on Elections na ilagay ang pangalan ng mga kandidato tatakbo sa 2025 midterm election sa kanilang website dalawang linggo pagkatapos ng deadline ng filling ng COC.
Ito ang ginawang rekomindasyon ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia.
Ayon kay Garcia, nag request siya sa mga commissioner ng poll body na aprubahan ang kanyang panukala.
Layon lamang nito na makita ng publiko ang opisyal na pangalan ng mga tatakbo ay upang magkaroon rila ng ideya.
Bukod dito ay magkakaroon rin ng pagkakataon ang mga botante na masuri ang mga takbo sa ibat ibat posisyon sa gobyerno.
Ngayon lamang aniya ito gagawin ng ahensya dahil hindi ito ginawa sa mga nagdaang halalan sa bansa.
Makakatutulong rin ito upang matukoy kung totoo ang mga detalyeng inilagay ng kandidato sa kanilang mga inihaing COC.