-- Advertisements --

Idineklara na ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na handa na ang komiyon para sa darating na mismong araw ng eleksyon.

Sinabi ito ni Pangarungan sa kanilang idinaos na joint command conference kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Energy (DOE), Department of Health (DOH), at Department of Education (DepEd) na ginanap naman sa Camp Aquinaldo sa Queozon City.

Dito ipinahayag ng Comelec chairman na handa na ang lahat ng kakailanganin para sa darating na halalan sa Mayo 9, mula sa mga naimprentang mga balota, vote counting machines (VCMs), at iba pang election paraphernalia sa buong bansa.

Samantala, nanawagan naman si Pangarungan sa AFP, PNP, at PCG para sa muling pagtulong sa pagpapatupad ng seguridad sa panahon ng eleksyon at maging sa pag-secure sa mga balota.

Muli rin na nagpasalamat ang opisyal indibidwal na naging bahagi ng paghahanda ng Comelec at gayundin sa mga katuwang nitong mga ahensya ng pamahalaan na nagpahirap at nagpakasakit para sa darating na halalan.