Hindi na itutuloy pa ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia ang paghahabla ng ethics complaint laban kay SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta kaugnay sa mga alegasyon ng offshore accounts.
Sa isang pahayag, sinabi ng poll body chief na wala talaga siyang intensiyon na maghain ng kaso at ipapasa-Diyos na amang niya ang mga akusasyong ibinabato laban sa kaniya.
Sinabi din ng opisyal na malaking bagaya para sa kaalaman na rin ng taumbayan sakali man na pag-usapan na lamang nila ang isyu hinggil sa makina at kontrata na pinasok ng Comelec.
Matatandaan na noong nakalipas na buwan, sinabi ng Comelec chairman na plano niyang maghain ng ethics complaint laban kay Marcoleta matapos na isiwalat ng mambabatas na mayroong umano’y offshore account ang poll official na nakatanggap ng P1 billion deposito na nataon naman sa pagbili ng automated election system mula sa South Korean firm na Miru Systems na service provider para sa 2025 elections.
Subalit nauna na ring pinabulaanan ni Garcia ang mga alegasyon laban sa kaniya at sinabing ito ay parte ng demolition job para sirain ang kaniyang kredibildiad at ng komisyon sa kabuuan.