-- Advertisements --

Itinanggi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang alegason na tumanggap ito ng lagay mula sa Miru Systems ang technology provider para sa halalan.

Sinabi nito na isang fake news ang lumabas na balita na may pera itong tinanggap kapalit ang pagpayag na ang South Korean company na ang gagamitin sa halalan.

Nanindigan din ito na hindi ito magbibitiw sa puwesto dahil sa naglabasang pekeng balita.

Handa rin itong sampahan ng kaso ang mga nasa likod ng paninira sa kaniya at ang opisina ng Comelec.