Ipinahayag ni Comelec Comissioner George Garcia na hindi siya sasali sa magiging deliberasyon sa petisyon hinggil sa intra-party dispute ng PDP-Laban.
Ito ay dahil sa dati na raw siyang nagserbisyo bilang isang abogado ng naturang partido noong nagkakaisa pa raw ang magkabilang kampo.
Dagdag pa ni Garcia, handa naman daw siya na magbigay ng insight o makasaysayang background sa mga ito kung sakaling hihingan man siya ng guidance ng mga ito.
Ngunit paglilinaw niya ay hindi ito makakaimpluwensya sa magiging kalalabasan ng naturang kaso.
Magugunita na una rito ay pinahintulutan ng election body ang mga kandidato mula sa dalawang factions na gamitin ng mga ito ang pangalan ng partido sa kanilang mga printed ballots habang nakabinbin ang desisyon sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa.
Kamakailan lang ay in-endorso ng faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi si presidential bet former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na umani naman ng samu’t saring reaction mula kina Senator Aquilino “Koko” Pimentel III at Presidential aspirant, Senator Manny Pacquiao na nagsasabing halatang banyaga sa naturang faction sina Cusi dahil itinatag daw ang PDP-Laban upang tuligsain ang pagiging diktador ni Marcos Sr.Top