-- Advertisements --

Ibinunyag ni Commission on Election (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na bumuto siya para i-disqualify si dating senador Ferdinan ‘Bongbong’ Marcos Jr sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

Naniniwala ito na may mga nakikialam para mailbas ang desisyon sa disqualification case ng dating senador.

Kapag nagretiro na kasi ito sa Pebrero 2 ay hindi na kasama ang boto nito.

Pagtitiyak niya na kahit retirado nito ay kasama pa rin ang boto niya sa disqualfication case.

Isa kasi si Guanzon sa bahagi ng First Division ng COMELEC na humahawak sa disqualification cases laban kay Marcos Jr kasama sina Commissioner Aimee Ferolino-Ampoloquio at Marlon Casquejo.

Si Ferolino-Ampoloquio ang ponente ng kaso na siyang inatasan na sumulat ng desisyon sa kaso o petisyon.

Nakatakda namang ilabas nito ang mga dokumento na nagpapatunay sa pagboto niya na madisqualify ang dating senador.