-- Advertisements --
Tumanggi muna si Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon na pangalanan kung sino ang pinaghihinalaan nitong nasa likod ng natanggap na text message kung saan tila binabantaan ito.
Nitong Huwebes nang i-post ni Guanzon sa kanyang Twitter account ang naturang mensahe kung saan nakasaad ang bantang kaso kapag patuloy umano itong nanggipit at hindi pa rin sila makaupo sa pwesto.
Sinabi rin daw ng nagpadala ng mensahe na may ilalabas itong Part 2 ng isang series.
Indikasyon na tila may expose ito tungkol sa Comelec official.
Kung maaalala, nakabinbin pa rin sa Comelec en banc ang apela ng nanalong Duterte-Youth Party-list para maging substitute 1st candidate si dating National Youth Commission Ronald Cardema.