GENERAL SANTOS CITY – Minomonitor ni COMELEC Commissioner George Erwin Garcia ang plebisito na gagawin ngayong araw para maging barangay ang New Canaan sa bayan ng Alabel Sarangani Province.
Gusto umano ni Commissioner Garcia na makuha ang 60% sa 4,960 registered voters na boboto ng YES.
Ayon naman kay Alabel Mayor Vic Paul Salarda na noon pang 2009 naaprubahan ang ordinansa at taon 2010 sana gagawin ang plebisito subalit naantala dahil sa COVID 19.
Dagdag pa nito na noon pang hindi pa humiwalay sa South Cotabato ang Alabel nagawa na ang ordinansa subalit napabayaan at ngayon lang natutukan sa kanyang panahon.
Ang New Canaan ang mga malayong Sitio na nasa boundary ng Sarangani Province at Davao Occidental na tahanan noon ng mga taong lumalaban sa gobyerno.
Bantay sarado naman ng mahigit sa 200 pulis at mga sundalo pati mga force multiplers ang lugar para sa gagawing special elections.
Nalaman na mahigit-kumulang sa P3M pondo ang nakalaan para sa nasabing plebisito.