-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) ang mahigpit na pagbabantay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Daraga, Albay.

Ito’y matapos ang pormal nang pagbaba ng arrest warrant laban kay Mayor Carlwyn Baldo sa kasong 2-counts ng murder.

Una nang isinailalim sa COMELEC control ang nasabing bayan matapos ang pamamaslang kay Party-list Rep. Rodel Batocabe noong Disyembre 2018.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bicol Regional Elections Supervisor Atty. Noli Pipo, hiling nito sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang tuloy-tuloy na updates sa significant events sa bayan.

Aniya, ipinag-utos na rin ng COMELEC control committee sa Maynila ang pagsubaybay sa movement ng mga tauhan sa lokal na pamahalaan at sa release ng pondo.

Hinihintay rin umano sa ngayon ang main order para sa mga kandidato habang nilinaw ng opisyal na hiwalay na usapin pa ang posibleng diskwalipikasyon para sa nalalapit na halalan para sa alkalde.