-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Patuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC)-Cordillera para sa 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Ito ay sa kabila ng posibleng pagkakansela sa halalan base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Atty. John Paul Martin, Election Officer ng Baguio City, magsisimulang tatanggap ang Comelec ng aplikasyon ng mga botante mula Agosto Uno hanggang wala pang pinal na desisyon kung maipagpapaliban ang halalan.
Inaasahan ng opisyal na magkakasundo ang Kamara at Senado sa pagdedesisyon ukol sa pagpapalawig ng termino ng mga lokal na opisyal.
Sinabi pa ni Martin na gagamitin ng mga ito ang sampung buwan upang maghanda ng mga kinakailanganing dokumento para sa 2020 Barangay Elections.