-- Advertisements --

Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na isa sa mga idadagdag nilang feature o probisyon sa bagong gagawing Election Management System (EMS) ay magkakaroon na ito ng kakayahan na makapagdagdag ng pangalan upang hindi na mahirapan ang poll body kung sakali man na may pagbabago muli na gagawin sa balota.

Ang Election Management System (EMS) ay mahalaga sa isang automated election dahil dito inaayos ang mga paghahanda at mga materyales na kakailanganin sa halalan.

Sa kasalukuyan, ang unang nagawa at ginamit na system ay hindi maaaring magdagdag ng pangalan para hindi ito masamantala na magsama na lamang ng pangalan basta-basta.

Ayon kay COMELEC Chairman Garcia, pamamaraan ito ng poll body upang hindi na mahirapan kung sakali man na may kailangan na namang baguhin o idagdag sa system.

Ngunit, binigyang-diin niya na kung sakaling may lumabas muli na Temporary Restraining Order (TRO) na may kinalaman sa pagdiskwalipika ng mga kandidato lalo’t higit sa national na lebel, magba- back-to-zero ulit ang komisyon sa pag-imprenta dahil kailangan nila itong sundin.