-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Ipinaalam ng Commission on Election Dagupan City sa mga botante na kinakailangan nilang personal na isumite ang kanilang registration form alinsunod sa umiiral na batas para sa halalan sa 2025.

Kaugnay nito, nilinaw ni Atty. Michael Franks Sarmiento, ang Comelec Officer ng syudad, na accomplishment form lamang ang nakikitang registration form na nado-download sa kanilang website.

Kung hindi kasi aniya personal na nagpasa ang mga ito, incomplete ang kanilang rehistrasyon at hindi sila mapapasama sa list of voters.

Bukod dito, magsasagawa rin sila ng satellite registration na ginaganap sa mga barangay hall at mga eskwelahan sa lungsod ng Dagupan.

Samantala, nagkaroon na ng pilot implementation ang Register Anywhere Program noong mga nakaraang registration period ngunit inaasahan aniya na mapasama ang Dagupan City sa pagpapalawak ng aktibidad na ito.

Ibinahagi naman nito na kinakailangan lamang magdala ng kahit anong valid ID na naka-indicate ang kasalukuyang address at bibigyan lamang sila ng registration form para makapagparehistro.