Kailangang pahabain ng mga tanggapan ng Commission on Elections ang mga oras ng trabaho para ma-accommodate ang mga nagparehistro sa huling araw ng pagpaparehistro ng mga botante para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections, ayon yan kay Commission on Elections chairman George Garcia.
Sa pahayag naman ni poll spokesperson Rex Laudiangco, nakabatay ang patakarang ito sa Comelec Resolution 10868.
Sa ilalim ng Section 6(a) ng resolusyon, kung sa alas-3:00 na oras sa huling araw ng pagpaparehistro, mayroon pa ring mga tao na naghihintay sa pila para maghain ng kanilang mga aplikasyon, ay dapat pa din sila i-accomodate ng mga opisyal.
Kaugnay niyan, naabot na ng komisyon ang mahigit isang milyong bagong botante para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, dalawang linggo bago matapos ang rehistrasyon ng mga botante.
Una na rito, ang pagpaparehistro ng botante ay nagsimula noong ika-12 ng Disyembre 2022 at magtatapos naman bukas ika-31 ng Enero.