-- Advertisements --

Tuloy-tuloy hanggang sa mga malalayong lugar ang ginagawang roadshow ng Comelec para sa mga automated counting machines (ACM).

Bahagi ito ng nationwide ACM roadshow na inumpisahan nitong Disyembre 2, 2024.

Sa inilabas na larawan, ipinapakita ang actual na pagbisita ni Election Officer Olive de Guia at kaniyang staff sa Brgy. Sampaguita, Lope de Vega, Northern Samar.

Layunin nitong magdaos ng ACM Roadshow at Voter Education, upang maging familiar ang mga botante sa gagamiting makina sa 2025 midterm elections.

Target din nilang maipakita ang features ng mga bagong makina na wala sa dating ginagamit noong mga nakaraang halalan.

Magtatagal ang ganitong mga aktibidad hanggang Enero 30, 2025.