Ipinahayag ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia ang pagkadismaya ng komisyon sa mga politikong naglipana na ang mukha sa mga poster sa kalsada at may mga palatastas na kahit hindi pa nagsisimula ang election at campaign period.
Ayon kay Garcia, kahit na sila ay nalulungkot sa mga ganitong tahasang ginagawa ng mga politiko, ang kasalukuyang batas ng bansa ay hindi sakop ang premature campaigning, ibig-sabihin hindi ito mapapatigil ng komisyon dahil hindi pa sila kinokonsiderang kandidato ng Korte Suprema at papasok lamang ang kanilang kapangyarihan sa Enero 12 o ang simula ng election period.
Ang mga politiko na ito ay kikilalanin lang bilang kandidato sa unang araw ng campaign period sa Pebrero 12 para sa national elections at Marso 28 naman para lokal na lebel.
Kaya naman pinaalalahanan ni Garcia ang mga politiko na ‘maghinay-hinay’ lang muna dahil bibigyan sila ng 45 na araw o 90 na araw para mangampanya.